DAGUPAN CITY- Muling binigyang diin ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio sa pangunguna ng LGU-MENRO, ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura sa ilang barangay sa bayan.

Bumisita kamakailan ang tauhan ng nasabing opisina sa 4 na barangay sa bayan kabilang na ang Barangay Bobonan, Laoac, Batakil, at Palacpalac.

Nakapaloob sa paalala ang pagbabahagi ng mga umiiral na ordinansa na nagbabawal sa pagsusunog ng basura, hindi pagse-segregate nito, at pagtatambak ng halo-halong basura sa mga bakuran at kalsada.

--Ads--

Batay kasi sa Environmental Code ng bayan maaring makapagmulta ang isang indibidwal sa sinumang lalabag sa ordinansa ng nasa P400.00.

Layunin ng kampanya na itaguyod ang isang malinis at maayos na kapaligiran para sa lahat.

Dahil dito, nanawagan ang LGU sa mga residente na makiisa sa pagsunod sa mga ordinansa upang mapanatili ang kalinisan, kalusugan, at kaligtasan ng pamayanan.

Patuloy din ang panghikayat ng publiko na maging mapagmatyag at iulat sa barangay o sa lokal na pamahalaan ang anumang paglabag na masaksihan.