Ipinanawagan ng Lokal na Pamahalaan ng Mapandan, Pangasinan sa publiko ang maagap na pag-settle ng kanilang Real Property Tax dahil may inilaan itong malalaking diskwento upang hikayatin ang mas maagang pagbabayad.

Nagkakaloob ang LGU ng 20 porsiyentong bawas sa buwis hanggang December 31, 2025, habang may 10 porsiyentong diskwento naman na ipatutupad mula Enero 1 hanggang March 31, 2026.

Tinutugunan ng programang ito ang layuning mabawasan ang gastusin ng mga mamamayan at sabay na mapabilis ang pagproseso ng mga transaksiyon sa munisipyo.

--Ads--

Bukod sa diskwento, mapapakinabangan din ng mga nagbabayad nang maaga ang pag-iwas sa karagdagang multa at interes na kadalasang kinakaharap ng late payers.

Ipinapaalala ng LGU na bukas ang Mapandan Municipal Treasury Office sa ground floor ng Municipal Hall tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM, upang tumanggap ng katanungan at pagbabayad.

Maaari ring makipag-ugnayan sa contact number ng kanilang opisina sa para sa iba pang detalye ukol sa programa.

Patuloy na hinihikayat ng pamahalaang lokal ang mga residente na lumahok sa inisyatibang ito bilang suporta sa pagpapatuloy ng mga serbisyong pampubliko at mga proyektong pangkaunlaran sa Mapandan.