Dagupan City – Sumailalim ang Lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024 reg’l assessment.

Ang layuning makamit ito ay sa pamumuno ng Mangaldan Mayor Bona Fe de Vera-Parayno na siyang nag-organisa ng paghanda at pagpresinta ng mga kaukulang dokumento maging sa on-site inspection sa kakatapos lamang na Regional Evaluation.

Sa naging mensahe ng alkalde, pinasalamatan nito ang dedikasyon at kooperasyon ng bawat kawani sa pagsusumite ng mga kaukulang documentary checklist para sa Seal of Good Local Governance regional assessment.

--Ads--

Bumisita naman sa bayan sa ikalawang pagkakataon ang iba’t ibang kawani ng Regional Assessment Team at pinuri nito Lokal na Pamahalaan ng bayan.