Dagupan City – Sa isinagawang joint executive-legislative meeting sa Mangaldan, tinalakay ang mas mahigpit na pagmonitor sa mga proyektong isinasagawa sa bayan

Inatasan ang engineering office na tiyaking hindi substandard ang mga imprastrukturang pinopondohan mula sa kaban ng bayan. Iminungkahi ring ipatawag ang mga contractor upang muling ipaalala ang tamang pagpapatupad ng proyekto.

Pinag-usapan din ang beripikasyon ng mga dokumento ng civil society organizations, upang masigurong lehitimo ang mga asosasyong nakikipag-ugnayan sa pamahalaan.

Kasabay nito, pinagtuunan ng pansin ang hindi pa nababayarang garbage tipping fees ng ilang barangay, kung saan planong maglabas muli ng demand letters.

Tinalakay rin ang planong tax mapping para matukoy ang mga negosyong hindi pa nakakapag-renew ng permit.

--Ads--

Samantala, iniulat ang pagbaba ng pondo mula sa National Tax Allotment, dahilan upang paalalahanan ang mga tanggapan sa mas maingat na paggamit ng badyet ng bayan.