Dagupan City – Nakilahok ang Local Government Unit Mangaldan at iba’t ibang hanay sa bayan sa paggunita ng ika-126 na araw ng kalayaan.

Ginanap ang pagdiriwang sa Mangaldan Municipal Plaza sa pangunguna ng Lokal ng Pamahalaan at ng Mangaldan Police Station.

Pinangunahan naman ito ni PLTCOL Roldan Cabatan, Mangaldan Officer In Charge Chief of Police at ni Dr. Rosallie R. Hulipas, Municipal Cooperatives Officer na kumatawan kay Manmgaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno.

--Ads--

Sa mensahe ni PLTCOL Cabatan, pinasalamatan nito ang hindi matatawarang sakripisyo ng mga bayani, habang ipinaabot naman ni Dr. Hulipas ang mensahe ng alkalde na kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand para sa 3rd Asian Convergence Initiative kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) at department heads.

Binigyang diin ng alkalde ang hangaring pakikiisa at patuloy na mapangalagaan ang tinatamasang kalayaan. Kanya ring hinikayat ang puwersa ng kapulisan na patuloy na bantayan ang kapayapaan at kaayusan ng bayan upang patuloy na maging malaya laban sa mga manunupil ng mga karapatang pantao at panlipunan.

Binigyang pugay at inspirasyon din nito ang mga guro sa patuloy na pagbibigay ng de kalidad na edukasyon para sa mga kabataan upang patuloy na lumaya sa kamangmangan at para sa mga kabataang magmamana ng kalayaang tinatamasa.