BOMBO DAGUPAN – Pinaghahandaan na ng Local na Pamahalaan ang pagtatayo ng Pangasinan Link Expressway (PLEX) upang mas mapadali at maayos ang pagbisita ng mga turista sa Manaoag, sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon Dr. Jeremy Agerico Rosario, ang alkalde ng bayan ng Manaoag, nagkakaroon na sila ng preparasyon patungkol dito at inaasahan na 3-4 na taon mula ngayon ay maisasakatuparan na ang PLEX.
Aniya, mula TPLEx hanggang PLEx ay mas magiging accessible na ang pagbiyahe ng mga nais bumisita sa kanilang bayan gayundin sa mga tutungo sa western part ng lalawigan.
Dahil dito, inaasahan ng alkalde na mas lalong dodoble ang bilang ng mga turista.
Bagama’t paminsan-minsang nakakaranas ng trapiko sa palibot ng Minor Basilica ng Manaoag, may na-organized na traffic enforcers at traffic ordinance ayon pa sa alkalde.
Samantala, nagpapasalamat naman ito sa mga mga senador at kongresista na nagbibigay ng tulong sa kanilang bayan at umaaasa ito na ang mga development na ito ay para sa ikagaganda ng Manaoag.