Patuloy na gumagawa ng kaukulang hakbang ang pamahalaang lokal ng Lingayen kasunod ng pagpositibo sa COVID -19 ng isang kababayan na mula Australia upang hindi kumalat ng virus.

Base sa ulat, ang babae na galing sa Australia ay dumalo sa kasal sa Maynila noong February 15, 2020.
Pagkatapos nito ay may dinaluhan siyang high school reunion sa Pangasinan at March 2 nang bumalik siya ng Sydney pero March 3 nang siya ay magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, sa ngayon ay isinasagawa na ang contact tracing sa lahat ng taong nakasalamuha ng pasyente.

--Ads--

Iniutos din ang pagsasagawa ng thermal monitoring, hand cleansing at paggamit ng facemask sa lahat ng okasyon.

Samantala, nagsuspindi ngayong araw ng klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa bayan ng Lingayen at Bugallon upang bigyan daan ang disinfection activities sa mga paaralan bilang pag iingat sa Covid 19.

Magsasagawa ang nasabing mga LGU’s ng paglilinis upang mas maging handa at ligtas ang mga paaralan.

Isusunod din ang paglilinis sa mga pampublikong lugar, pasilidad, public terminals, palengke, parke, at mga tanggapan ng pamahalaan.

Ito ay naglalayong higit na mapalakas ang paghahanda at pag iwas sa COVID-19.