Dagupan City – Naglabas ng paalala ang PNP Dagupan kaugnay ng pagpapatupad ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act laban sa sexual harassment sa mga pampublikong lugar.
Ayon sa Pamahalaang Panglungsod, saklaw ng batas ang mga insidenteng may kaugnayan sa catcalling, pambabastos, at iba pang anyo ng panliligalig sa kalsada, paaralan, opisina, at iba pang pampublikong espasyo. Nilinaw ng mga awtoridad na ang mga lalabag sa nasabing batas ay maaaring patawan ng multa o makulong, depende sa uri at bigat ng paglabag.
Ipinaalala rin ng PNP na mahalagang agad iulat ang anumang insidente ng harassment na maranasan o masaksihan upang ito ay maaksiyunan.
Samantala, patuloy ang koordinasyon ng kapulisan at lokal na pamahalaan ng Dagupan para sa pagpapatupad ng batas at pagtugon sa mga reklamo kaugnay ng mga paglabag sa Safe Spaces Act.










