Mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ng siyudad ng Dagupan ang pagsusulong nito sa proper hospital waste management.

Kaugnay ng bagay na ito, isang grupo mula sa LGU ang nagsagawa ng sharing session kaugnay ng nasabing usapin kasama ang mga kawani ng isang pribadong ospital sa nabanggit na lungsod.

Sa panig ng City Government, nanguna sina Waste Management Division Head Bernard Cabison, Health Care Waste Inspector Gemma Mejia Punzalan, at Waste Management Technical Consultant Teddy Villamil, habang kasama naman nila sa aktibidad si Dr. Conrad Cuison, Director ng Cuison Hospital, Ms. Shana Ann Quinit Cuison, Hospital Administrator, at ang kanilang Pollution Control Officer at Institutional Workers.

--Ads--

Ang mga kawani ng ospital ay nakinig sa mga ibinahaging protocol sa hospital waste management, mga mungkahing sistema para dito at ang mga bagay na maaaring gayahin o gawin ng Cuison Hospital para sa maayos na disposal ng kanilang mga basura.

Ginawa naman ang sharing session upang matiyak ang maayos na pagtatapon ng iba’t-ibang uri ng mga basura mula sa ospital, alinsunod na rin sa mga umiiral na guidelines para rito. // Bombo Lyme Perez