Sinimulan ng lokal na pamahalaan ng Calasiao sa lalawigan ng Pangasinan ang pagtanggal ng spaghetti wires at mga lumang poste ng kuryente at komunikasyon bilang bahagi ng programang pangkaligtasan at pagpapaganda ng kapaligiran.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng hakbang na mabawasan ang panganib na dulot ng mga nakabuhol, mababang kable at mga pasilidad na hindi na ginagamit, lalo na sa mga pangunahing kalsada at mataong lugar.
Saklaw ng cleanup operation ang Calasiao–San Carlos Road mula Villamil Bridge hanggang Town-Intersection, pati ang Barangay Lasip Road, Barangay Gabon Road hanggang Gabon Bridge, Poblacion, at ang kalsadang nagdurugtong sa Barangay Nalsian at Barangay Ambonao.
Dagdag ng pamahalaan, bahagi ito ng pangmatagalang plano upang gawing mas ligtas, maayos at malinis ang buong bayan ng Calasiao.
Pinayuhan ang mga motorista at residente na mag-ingat at makipagtulungan habang isinasagawa ang mga aktibidad.








