Desidido ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Bolinao na magsampa ng kaso laban sa may-ari ng sumadsad na foreign vessel sa karagatang sakop ng Brgy. Patar.
Nabatid na isang resolusyon na ang agad na ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Bolinao upang mabigyan ng otoridad ang kanilang Alkalde na makapagsampa ng kaso.
Subalit bago ito maisapinal, hinihintay muna ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente upang matukoy ang hihilinging danyos sa may-ari ng barko.
Matatandaan na noong madaling araw ng Disyembre 9, sumadsad ang oil tanker na patungo sanang Brunei mula sa China.
Kargado ito ng tinatayang aabot sa 15 thousand metric tons ng petroleum products. Habang nasa 26 na mga dayuhan ang sakay ng naturang vessel na kinabibilangang ng 23 Chinese at talong Myanmar nationals.