Dagupan City – Magsasagawa ng imbestigasyon ang Local na Pamahalaan ng Binmaley kaugnay sa natuklasang sako sakong mga school supplies sa isang bodega ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Atty. Franco Franciso, Municipal Administrator ng LGU Binmaley, patuloy pa rin ang imbentaryo sa mga school supplies at kung magkano ang halaga nito.

Aniya, may mga ilan ng nasira ngunit karamihan pa rin sa mga ito ay maaari pang magamit ng mga mag aaral sa susunod na school year.

--Ads--

Tapos na rin kasi ang pamamahagi ng school supplies sa mga mag aaral sa pampublikong paaralan ng Binmaley. Ang mga school supplies ay kinabibilangan ng mga bags, t-shirt, jogging pants, notebooks, lapis at bolpen.

Sa ngayon, iimbestigahan nila kung may anomalya o dumaan sa tamang proseso ang sako sakong school supplies.

Samantala, binigyang diin ni Francisco na isa sa dapat tutukan ngayon ng lokal na pamahalaan ay ang tamang allocation ng budget funding upang maiwasan ang naunanng nangyari na oversupply.