Pinangunahan ni Mayor Pedro “Pete” Merrera III ng Lokal na pamahalaan dito sa bayan ng Binmaley ang paglilinis ng drainage canal at pagputol ng mga natutuyong puno sa paligid ng munisipyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya na ang inisyatibang ito ay dahil sa napansin nitong madumi ang kanal at hindi makadaloy ng maayos ang tubig nito habang sa mga puno naman ay nakitang delikado na at sirang-sira na ang ibang parte ng mga puno na baka magsanhi ng pagkahulog na maaring makapwerwisyo sa mga dumaraan.
Aniya na ito ay preparasyon sa mga kalamidad na maaring maranasan ng bayan gaya ng pagtaas ng tubig at pagtumba ng mga puno dulot ng malakas na ulan ngayong panahon ng habagat.
Katuwang ng alkalde ang iba pang opisina at ahensya gaya ng Waste Management Division para sa mga kalat na makukuha, Bureau of Fire Protection Binmaley para sa flushing ng tubig sa kanal at ang MDRRMO na responsable sa pagpuputol ng kahoy.
Bukod sa malapit sa munisipyo ay tututukan din nila ang bawat barangay upang mapanatiling ligtas sa publiko.
Samantala, marami pa anyang inaasahang mga aksyon at programa sa kanyang pamumuno kaya makakaasa aniya ang mga residente ng bayan na kanyang ihahatid ang magandang serbisyo.