Dagupan City – Iginiit ng Special Assistant to the office of the Mayor ng Bayambang na walang planong magtaas ng buwis o anumang tax ang mga ito kaugnay ng layunin ng bayan na maitaas sa pagiging isang lungsod.
Ayon sa naging mensahe ni dating Bayambang Mayor Dr. Cesar Quiambao, bagama’t matagal nang isinusulong ang cityhood ng bayan at sa katunayan ay pasok na ito noong nakaraang mga revenue requirements— nagkaroon ng pagrebisa sa kinakailangang dokumento kaya na aniya’y mahirap abutin dahil mas mataas na ang hinihinging revenue requirement.
Sa kabila nito, nananatiling positibo ang pamahalaang bayan at umaasang sa loob ng susunod na limang taon, makakamit pa rin ang cityhood.
Isa sa mga hakbang na kanilang pinag-aaralan ay ang pagkakaroon ng LGU-led landshift at pag-aacquire ng local water district, na posibleng makadagdag sa kita ng bayan upang maabot ang kinakailangang revenue.
Tiniyak din ng LGU na hindi kasama sa plano ang pagtaas ng business taxes, dahil hindi ito prayoridad sa ngayon.
Ayon sa kanila, mas mahalagang mapanatili ang tiwala ng mga negosyante at mamamayan habang patuloy na pinapalakas ang ekonomiya ng bayan.