Kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region I ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang bilang Regional Winner sa 2025 Model LGU Implementing the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ipinunto ng mga opisyal na ang tagumpay ng Bayambang ay bunga ng malinaw na pamumuno at sama-samang pagkilos ng komunidad.
Bukod sa pangunahing parangal, pinarangalan din ang LGU-Bayambang sa mga inisyatibong nagpalakas sa 4Ps Youth Group sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-oorganisa ng kabataan.
Kabilang din sa mga kinilala sa nasabing summit ang ilang sa mga Barangay Nutrition Scholar ng Sancagulis, bilang provincial winner ng “Juana Malakas: Stories of Women Empowerment”, at ang Bayambang for Jesus Movement Inc., bilang huwarang Civil Society Organization (CSO) na aktibong katuwang sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran.
Ang pagkilalang ito ay bunga ng pagbibigay ng serbisyong makatao at inklusibong paglaban sa kahirapan sa buong lalawigan ng Pangasinan.
 
		









