Dagupan City – Ibinahagi ng Local Government Unit Byamambang ang naging paglago ng 5 pangunahing sektor sa bayan na kinabibilangan ng pagtuldok sa kagutuman, pagpapalago ng healthcare services, edukasyon, trabaho at ekonomiya, at sektor ng agrikultura.
Sa naging mensahe ni Dr. Cezar Quiambao, Specialist Assistant – Mayor Bayambang, taong 2016 pa lamang ay nagsimula na aniya silang maglulunsad ng workshops para sa kanilang layunin.
Gaya na lamang ng pagtuldok sa kagutuman. Dagdag pa ang pagbibigay ng serbisyong medikal at social services kung saan ay nakapagpatayo na rin ang bayan ng ospital.
Aniya, malaking tulong ito upang matugunan agad ang kinakailangang tulong medikal ng mga residente at kalapit pang bayan. Ipinaabot din ni Quiambao ang kaniyang pasasalamat sa mga doktor na tumutulong para sa kanilang adhikain.
Pangatlo ay ang sektor ng edukasyon, kung saan ay nakapagpatayo na rin sila sa bayan ng Bayambang Polytechnnic College upang mabigyan ng libreng edukasyon ang mga estudyanteng gustong mag-aaral. Itinuring din umano itong isang makasaysayang araw para sa sektor ng edukasyon sa bayan.
Pangatlo ay ang trabaho, imprastraktura at ekonomiya, na aniya’y unti-unti na ring nakakamit.
At ang pang-lima naman ay ang agrikultura, ayon kay Quiambao, dati pa niyang pangarap ito, ang magkaroon pa ng moderning kagamitan ang sektor para sa mas masaganang produksyon.
Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng good governance, dahil aniya, hindi makakamit ang lahat ng ito kung wala umano ang tulong ng tamang pamamalakad.