Usap-usapan ngayon sa soial media kung sino nga ba ang unang Pilipinong rumampa sa L’Oreal Paris fashion week.
Ito’y matapos mag-post ang Filipino-American transgender model na si Leyna Bloom tungkol sa pagiging “first Filipino” na nakagawa nito sa taunang fashion event sa France.
Dito ay binanggit ni Leyna na markado iyon dahil isa siya sa unang trans women na naglakad sa tanyag na fashion event. Muli nitong pinaingay na siya umano ang first trans woman sa U.S. na three years naging brand ambassador ng French multinational personal care company.
Kung saan sa dulo ng kaniyang social media post binati niya ang kaniyang “Filipino sisters” na sina Pia at Stephanie Valentine, na parte rin ng L’Oreal fashion show ngayong taon.
Si Leyna ay anak ng isang Pilipinang mula sa Blaan Tribe sa Southern Mindanao at ang kanyang ama ay isang African-American.
Kasunod nito ay umani naman agad ng pambatikos at bashing sa Miss Universe 2015 beauty queen Pia Wurtzbach dahil sa “incorrect at irresponsible information” nito.
Dahil sa tinamong bashing ni Pia, nagkomento si Leyna tungkol sa “toxic behavior” ng netizens.
Aniya, mas importante sa kanyang magkaisa ang publiko at fans. Sa katotohanan pa aniya, hindi na nito kinailangang banggitin pa ang “title of first” noong una siyang rumampa sa fashion show.