BOMBO DAGUPAN – Bahagya ng bumaba ang level ng tubig sa sinucalan River.

Ayon kay Mary Angeline Zulueta, MDRRMO Secretary, sa bayan ng Santa Barbara, kaninang ala 11 ng umaga, nasa 6.30 meters above sea level ang nasabing ilog.

Aniya, dalawang barangay na kinabibilangan ng barangay Sungkil at Dalonge ang nakaranas ng matinding pagbaha.

--Ads--

Ang bayan ng Santa Barbara ay isa sa itinuturing na catch basin sa probinsya.
Inaasahan na magtuloy tuloy naman ang pag hupa ng tubig baha sa mga susunod na oras.

Saad nito na medyo nahirapan lang sila sa paglilikas dahil kahit gustuhin man na ilikas ang mga tao ay walang gustong lumikas.