Dagupan City – Inasahan na ng isang Political Analyst ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema ng kampo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo upang hilingin na ipawalang bisa ang subpoena na inilabas ng Senado laban sa alkalde.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, hindi na niya ikinagulat na gagawin ito ng abogado ni Guo, dahil sa statements pa lang at sa binibitawan ng senado ay malinaw na isa na itong uri ng criminal investigation.
Ayon kay Yusingco, maski nga ang pag-issue ng arrest order laban sa alkalde ay hindi na nila hawak at ang hanay ng kapulisan at Bureau of Investigation na dapat ang may hawak.
Ngunit dahil nga sa kawalan na rin ng tiwala ng publiko sa hanay ng kapulisan, kung saan ay lumalabas na mas nagiging mabilis ang imbistigasyon kapag sa senado ay mas tinatangkilik na lamang umano ito.
Samantala, patungkol naman sa pagkakadawit ng pangalan ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa issue ng ni-raid Luck South 99 na isang Philippine offshore gaming operator (POGO).
Ayon kay Yusingco, subaybayan na lamang ang imbistiagsyon na isinasagwa ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).