Sumakabilang buhay na ang legendary pop-R&B singer na si Roberta Flack sa edad 88.

Unang nakilala ng publiko si Roberta nang gamitin ng actor-director na si Clint Eastwood ang two-year-old version ng classically trained singer-pianist ng “The First Time Ever I Saw Your Face” para sa 1971 directorial debut ni Clint na Play Misty for Me.

Sinundan ito ng isa pang hit song ni Roberta noong 1973, ang “Killing Me Softly With His Song.”

--Ads--

Dahil sa dalawang hit songs niyang ito ay nakamit ni Roberta ang Record of the Year sa Grammys sa magkasunod na taon, 1973 (“The First Time Ever I Saw Your Face”) at 1974 (“Killing Me Softly With His Song”).

Narating ni Roberta ang peak ng kanyang singing career noong 1974 dahil sa smash hit na “Where Is The Love.”

Ang iba pang hit songs ni Roberta ay “Feel Like Makin’ Love,” “The Closer I Get To You” (duet with Donny Hathaway), “If Ever I See You Again,” “You Are Everything,” “Lovin’ You (Is Such An Easy Thing To Do), “Making Love,” “Our Love Will Stop The World,” “Tonight, I Celebrate My Love For You” (duet with Peabo Bryson), at “You Make Me Feel Brand New.”

Sa kabuuan ng kanyang singing career ay nanalo si Roberta ng limang Grammy Awards at isang American Music Awards.