DAGUPAN, CITY— Nababahala ang legal counsel ni Anakpawis chairman at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Randall “ka-Randy” Echanis sa sunod sunod na pagkamatay ng mga peace consultant ng activist groups sa bansa.
Ito ay matapos pormal na naisabatas ang Anti-Terror Law sa Pilipinas noong nakaraang buwan. Batay sa pahayag ni Atty. Jobert Pahilga, sinabi nito na sadyang nakakaalarma umano ang mga nangyayaring pamamaslang sa naturang mga aktibista.
Nabatid pa umano ni Echanis na nag-iingat ito dahil alam niya na kinukunsidera siya ng militar bilang isang miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) bagay na walang ebedensyang maipresenta ang otoridad laban sa naturang akusasyon.
Nasabi din ni Pahilga, na bago pa man umano mangyari kay ka-Randy ang naturang krimen ay nasabi sa kanya na alam na niya ang bantang dulot nito sa kanya.