May panibagong biyayang paparating sa pamilya nina Lee Seung-gi at Lee Da-in matapos kumpirmahing buntis ang aktres sa kanilang ikalawang anak.

Kinumpirma ng talent agency ni Seung-gi ang masayang balita at ibinahaging limang buwan nang nagdadalang-tao ang aktres.

Matatandaang nayanig ang mundo ng K-drama fans nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2021. Nauwi ito sa pag-iisang dibdib noong 2023, at noong Pebrero 2024 ay masaya nilang sinalubong ang pagsilang ng kanilang panganay na baby girl.

--Ads--

Nakilala si Seung-gi sa kanyang mga pagganap sa hit series na My Girlfriend Is a Gumiho at Shining Inheritance. Samantala, bumida naman si Da-in sa mga dramang Alice at Hwarang.

Samantala, patuloy namang umaapaw ang pagbati mula sa kanilang mga tagahanga para sa panibagong biyayang darating sa kanilang pamilya.