Naghandog ng isang komprehensibong lecture at breast cancer screening ang City Health Office ng Dagupan para sa mga residente ng lungsod bilang bahagi ng Breast Cancer Awareness Month ngayong buwan ng Octobre.
Dinaluhan ito ng ilang mga kababaihang Dagupeno upang magkaroon ng sapat na kaalaman at magpakonsulta sa kanilang mga hinaharap.
Naglalayon ang inisyatibong ito na palakasin ang kaalaman tungkol sa breast cancer, ituro ang mga pamamaraan ng pag-iwas at maagang pagtuklas, at magbigay ng libreng screening para sa mga kababaihan.
Ayon kay Dr. Jamaica Caldona, Physician ng City Health Office ng Dagupan City, detalyado niyang ipinaliwanag ang iba’t ibang aspeto ng breast cancer.
Aniya na mahalagang maunawaan ng bawat isa ang mga dapat tandaan tungkol sa breast cancer, kung paano ito maiiwasan, ang mga posibleng sanhi, mga myth na dapat iwasan at ang iba’t ibang stages nito.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng regular na pagpapakonsulta at pagsasagawa ng self-examination upang maagang matukoy ang anumang abnormalidad ng kanilang suso.
Mayroon aniyang Mamogram ang CHO na libreng handog sa mga residente sa lungsod para hindi na sila gumastos pa sa ospital dahil nais nilang makabawas sa gastusin ng kanilang nasasakupan para matutukan nila ang kanilang kalusugan lalo na sa Breast cancer.
Ibinahagi naman ni Dr. Jaja Cayabyab, City Councilor at Chairman ng Committee on Health, ang buong suporta ng lokal na pamahalaan (LGU) sa kalusugan ng kanilang mga kababayan.
Aniya na prayoridad nila ang kalusugan ng bawat Dagupeno kaya naman, mula pa noong hindi pa siya konsehal, isinusulong na niya ang mga programang pangkalusugan para sa kabataan, kababaihan at kalalakihan.
Dagdag pa niya, na simula nang siya ay maupo bilang konsehal na tinutukan ang kalusugan ng mga dagupeno lalo na sa Breast cancer napansin nito na tumataas ang bilang ng mga indibidwal na nasa late stage na ng cancer dahil sa takot na magpa-check-up sa maaring resulta at natatakot sa gastos.
Dahil dito, hinihikayat niya ang lahat na huwag matakot at magpakonsulta agad para maagapan ang kanilang nararamdaman.
Samantala, ang Tema ngayong taon ay “Be a Breast Friend” Advancing Early Detection toward Universal Health Care Coverage kaya naman patuloy ang Dagupan City Health Office sa pagsasagawa ng mga programang pangkalusugan upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan ng Dagupan, at hinihikayat ang lahat na aktibong makilahok sa mga ganitong inisyatiba para sa kanilang kalusugan lalo na sa breast cancer.