Dagupan City – Ilang oras na nga lang, ay ihahanda na ang mga pang Noche Buena. Nakaugalian na rin ng pamilyang Pilipino na may nakahandang lechon sa lamesa.
Ayon sa may-ari ng isang lechon house sa brgy. Lasip Chico na si Wella Raga, mas maganda ang kitaan ngayong taon kung ikukumpara sa mga nakaraang taon.
Mula kasi disyembre 16 aniya ay dere-deretso na ang mga umoorder sa kanila at sa katunayan ay nasa 10 reservation ng isang buong lechon ang kanilang natatanggap sa isang araw.
--Ads--
Kung kaya’t payo ng mga ito, mas maganda kung mapapaaga ang pagpapa-reserve ng mga oorder dahil na rin sa pahirapan ang pagkuha ng baboy ngayong holiday season.
Kapag naman pag-uusapan ang presyo nito, aabot na ito ngayon sa halagang P9,500-P17,500.