Dagupan City – Ipinatupad ng Commission on Higher Education (CHED) Region 1 ang
learning continuity plan para sa mga mag-aaral dahil sa mga nararanasang sunod-sunod na pagkansela ng mga klase.

Ayon kay Dr. Christine N. Ferrer, Regional Director – CHED Region 1, kinabibilangan ito ng iba’t ibang learning modes na magiging daan sa papatuloy pa rin ng mga talakayan o klase.

Layunin nito na hindi mahirapan sa paghahabol ng mga school activities ang mga mag-aaral sa kabila ng mga kanselasyon.

--Ads--

Sa katunayan aniya, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga Local Government Units para sa mga paraan na maaring gawin pagdating sa pagkansela ng pasok.