DAGUPAN CITY- Naging matagumpay ang mga ‘Hack-tivist’ na makamit ang kanilang layunin noong November 5.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tzar Umang, Cyber Security Specialist, ang pag-anunsyo pa lamang ng Department of Information and Communications Technology of the Philippines (DICT) sa mangyayaring pag-atake ay patunay na napansin ng gobyerno ang mensahe na nais nilang iparating.
Saad niya hindi naman buong nagtagumpay ang nangyaring Distributed Denial-of-Service (DDoS) attack dahil hindi buong 100% ng serbisyo ng government webistes ay naantala.
Gayunpaman, natukoy ni Umang na hindi lamang DDoS attack ang nangyari kundi may iba pang pag-atake ang naganap sa ibang government website server.
Aniya, nagkaroon din ng pag-atake sa vulnerability ng isang site at pinasukan ng isang file na hindi naman kabilang sa naturang server.
Nagkaroon din ng extraction ng impormasyon sa isang site.
Samantala, ipinaliwanag ni Umang na natukoy din ang pag-atake ng isang grupo dahil nag-iiwan din ng digital trace ang paghack sa isang server.
Ito ay maaaring magagamit na lead upang mapalaman ang pagkakakilanlan ng isang hacker.










