DAGUPAN CITY- Naging matagumpay ang launching ng Automated Counting Machine (ACM) sa bayan ng Binmaley para sa paghahanda sa 2025 MidTerms elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Estrella Cave, Election Officer ng Commission on Election (COMELEC) sa bayan ng Tayug, dinaluhan ito ng mga municipal officials, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at mga inimbitahan na aspirante at iba pang bisita.

Aniya, wala itong halos pagkakaiba sa nakaraang ACM maliban na lamang sa mas mabilis na sistema at makabagong features nito para mas mapadali ang trabaho.

--Ads--

Makikita rin ang mga listahan ng mga binotong pinili sa balota sa 14″ screen nito. Hindi rin ito makikita ng iba pang tao dahil sa tiyak ang pirvacy nito.

Hindi naman maapektuhan ng power interruptions ang ACM dahil pinapatakbo na ito ng baterya.

Sinabi naman ni Cave na may kakayahan na itong i-print ang nilalaman ng balota o ang voters verified audit trail o vv pad. Ito ang kanilang ihuhulog sa vv pad box.

Gayunpaman, nagpaalala lamang siya na hindi ito maaaring ilabas sa presinto at kuhanan ng litrato kundi mahaharap sa election offense.

Samantala, magiging kumpleto pa rin ang mga tauhan para sa halalan kabilang na ang mga guro sa bawat paaralan na tutulong.

Hindi aniya nabawasan ang mga ito, maliban na lamang ang mga clustered precinct.

Sinabi rin ni Caven na magkakaroon ng roadshow sa iba’t ibang lugar na pag-gaganapan ng halalan upang magkaroon ng demo ng ACM.

Sa kabilang dako, bagaman hindi pa magkakaroon ng mall voting sa lalawigan sa Pangasinan subalit, hindi naman ito malabo mangyari sa susunod na halalan.

Aniya, pilot pa lamang din ang mga naganap sa ibang lalawigan kabilang na ang National Capital Region (NCR) noong nakaraang Barangay and Sangguniang Kabataan Elecions (BSKE) 2023.