Natagpuan na lamang na palutang-lutang ang katawan ng isang mangingisda na wala nang buhay sa Calmay River na bahagi ng Poblacion Oeste sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa mga kaanak at kaibigan, huling nakita ang biktima na nakikipag-inuman sa mga kasamahan nito pasado alas-otso ng gabi.

Dagdag pa nila, nakita rin umano itong pinaandar ang kanyang motorboat habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

--Ads--

Sa isinagawang medical examination ng mga awtoridad, lumalabas na pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng mangingisda.

Wala ring nakitang indikasyon ng foul play sa katawan ng biktima.