DAGUPAN CITY- Nagdulot ng kagulugan at ilang mga hindi kanain-nais na insidente ang itinuturing na pinakamalaking pagtitipon sa buong mundo sa India upang isabuhay ang kanilang tradisyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Corina Justin, Bombo International News Correspondent sa bansang India, dinarayo talaga ng mga tao sa India ang Ganges River upang isagawa ang kanilang tradisyonal na pagligo doon.

Aniya, mahigit sa 100 million na mga tao ang dumalo sa nasabing lugar kung saan nitong nakaraan pa lamang ay mga naibabalita nang mga nasawi dahil dito.

--Ads--

Dagdag niya, nananabik ang mga tao roon dahil isang beses lamang sa 12 taon kung isagawa ang nasabing pagtitipon.

Sa ngayon ay mas hinigpitan na ang crowd control at seguridad upang hindi na madagdagan pa ang mga kaswalidad.