BOMBO DAGUPAN – Walang nakikitang mali sa inilabas na larawan kung saan nagpapakita na magkakasama sina pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at ni Cassandra Li Ong sa isang restaurant.

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional lawyer, sa kanyang pananaw, dahil sa estado ng pangulo ay halos lahat ng mga tao na makakita sa kanya ay nais na magpapicture sa kanya ito man ay selfie, grupo o pormal na litrato.

Aniya, ang presidente ay palaging maraming tao ang nais na magpakakuha ng larawan at wala namang ibang rason kundi gusto lang makasama sa larawan ang isang importanteng tao.

--Ads--

Hanggang doon lang maliban lang umano kung may kalakip na dokumento, voice recording o anumang kontrata na kinasasangkutan ng pangulo.

Matatandaan na ipinakita ni Atty. Ferdinand Topacio ang isang larawan ng kaniyang kliyenteng si Cassandra Li Ong kasama si Pres. Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos, at iba pang opisyal at personalidad.

Si Ong ang sinasabing representative ng ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.