Nagpadala ng emergency teams ang Philippine Red Cross matapos gumuho ang landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City dakong alas-5:00 ng hapon.

Ayon sa ulat ng RC143 volunteer na si Mayline Alolor, may mga indibidwal na posibleng na-trap sa insidente.

Agad na nag-dispatch ang Philippine Red Cross Cebu Chapter ng ambulansya at nakikipag-ugnayan na sa mga lokal na awtoridad para sa rescue operations.

--Ads--

Ang Binaliw landfill ang pangunahing dumpsite ng Cebu City na matagal nang tinutuligsa dahil sa mga isyu ng kaligtasan at polusyon.

Noong mga nakaraang taon, naiulat na rin ang soil erosion at pagbagsak ng bahagi ng landfill na nagdulot ng pangamba sa mga residente.

Pinapayuhan ang mga tao sa paligid ng lugar na umiwas muna habang nagpapatuloy ang clearing at rescue.

Inaasahang maglalabas ng karagdagang update ang mga otoridad hinggil sa bilang ng naapektuhan at kalagayan ng operasyon.