Bilang suporta sa pinalakas na kampanya ng Department of Health (DOH) laban sa Dengue, ang Land Transportation Office (LTO) Region 1, na pinangunahan nina Regional Director (RD) Daniel Z. Martinez at Assistant Regional Director (ARD) Engr. Eric C. Suriben, ay aktibong nakikilahok sa inisyatibong “Alas Kwatro, Kontra Mosquito!”
Ang pagsisikap na ito sa buong rehiyon ay naglalayong pigilan ang pagtaas ng mga kaso ng Dengue sa pamamagitan ng pagtutok sa mga lugar kung saan nangingitlog ang mga lamok at epektibong pagbabawas ng populasyon ng mga lamok.
Kaugnay nito, ay nagsagawa ang lahat ng empleyado ng opsina ng fumigasyon at paggamit ng mosquito killer spray sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok at mga breeding site sa loob ng kanilang mga nasasakupan.
Ang interbensyon ay magaganap nang sabay-sabay sa ganap na 4:00 PM.Binigyang-diin ni RD Martinez na ang inisyatiba ay sumasaklaw hindi lamang sa paligid ng opisina kundi pati na rin sa lahat ng mga lugar ng trabaho upang matiyak ang komprehensibong kontrol sa lamok.
Hinimok niya ang lahat ng head offices ng mga tanggapan ng LTO sa buong rehiyon na subaybayan ang pagpapatupad ng mga hakbang na ito upang makatulong na mapanatili ang patuloy na mga pagsisikap laban sa Dengue.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pangako ng ahensya na mag-ambag sa kaligtasan ng pampublikong kalusugan at suportahan ang patuloy na laban ng gobyerno laban sa Dengue fever. Hinihimok ng LTO ang lahat ng mamamayan na makilahok din sa mga pagsisikap ng komunidad upang alisin ang mga lugar na pinagmumulan ng lamok sa kanilang mga lokalidad.