DAGUPAN CITY- Nakatakdang magpatupad ng public assistance desk ang Land Transportation Office Dagupan City sa mga Bus terminal sa lungsod ngayong nalalapit na Semana Santa.
Ayon kay LTO Dagupan District Office Chief Romel Dawaton na mag uumpisa silang maglagay ng assistance desk para makatulong sa mga bibisita at turista sa probinsiya ng Pangasinan Lalo na ang mga nagmumula sa malalayong lugar sa pamamagitan ng kanilang Oplan Semana at SumVac 2025.
Magsasagawa rin sila ng pagsusuri sa mga Public Utility Vehicle para masiguro na ligtas ang biyahe ng mga pasahero sa naturang okasyon sa pamamagitan ng inspeksyon sa mga bibiyaheng bus sa ibang ibang lugar sa lalawigan at mga karatig nito.
Sisimulan ang nasabing Oplan ligtas byahe sa ika-11 ngayon Abril hanggang ika-20 ngayong taon.
Bagamat inihayag naman nito na maari nilang simulan ito ng maaga kung mabibigyan na sila ng direktiba ng kanilang National Office.
Nanawagan naman ito sa mga pampasaherong bus na tiyaking nasa maayos na sitwasyon ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang anumang aberya o aksidente ngayong semana santa