BOMBO RADYO DAGUPAN – Matapos ang isang buwan na pagbibigay pagkakataon sa mga hindi nakapagconsolidate upang mamasada pa ay hahainan na ng show cause order upang mabigyan muli ng pagkakataon upang magbigay ng rason sa hindi nito pag sunod sa consolidation deadline.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Liberty De Luna, National President ng Alliance Of Concerned Transport Organization (ACTO), habang inaayos pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ruta ng mga naconsolidate, mabibigyan ng special permit ang mga lugar na hindi nakapagconsolidate para mabigyan ng serbisyo ang mga mananakay.


Sinabi naman ni De Luna, ibibigay naman ng gobyerno ang mga prangkisa na hindi nakapagconsolidate sa mga kooperatiba o korposrasyon na kinukulang ng mga sasakayan uapng matugunan din ang pangangailangang transportasyon ng publiko.

--Ads--


Samantala, pakikiusap naman niya sa PISTON at MANIBELA na maisipan nang makiisa sa modernisasyon upang hindi mapag iwanan at pag mulan ng transport crisis.


Binigyan linaw din niya na wala pang kasigurahan ang pagtaas ng pamasahe.