DAGUPAN CITY – Tuloy-tuloy sa pag-imprinta ng driver’s license backlog ang LTO Dagupan at on-going na rin sa pagclaim ang mga naisyuhan ng temporary driver’s license noong nakaraang taon partikular na sa mga naisyuhan noong Abril hanggang Disyembre.
Sinabi ni Romel Dawaton, District Chief LTO Dagupan City sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan na ang original backlogs ay umaabot sa 18,000 mahigit at sa kasalukuyan ay may natitira na lamang na 16,000 pang mga backlogs.
Para sa mga naisyuhan naman mula noong enero hanggang marso ngayong taon, sa susunod na buwan sisimulan ang printing and claiming ng kanilang mga driver’s license.
Ani Dawaton na maging sabado ay bukas ang kanilang opisina para sa mga magclaclaim na may trabaho tuwing weekdays. Siniguro naman niya na ang kanilang ahensiya ay tuloy tuloy sa pag-imprinta ng mga lisensiya upang lahat ay makakuha na.