Binigyan ng 6.5 na rating ni Professor Mark Anthony Baliton, political analyst sa lalawigan ng Pangasinan, ang laman ng state of the nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Baliton sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ang mga patama ng pangulo ay hindi napapanahon dahil imbes na pansinin ang depekto ay hinikayat na lamang sana ang mga Pilipino na magtulongan sa panahon ng krisis.

Giit ni Baliton na sa panahon ng krisis ay hindi na sana binatikos ni Pangulong Duterte ang oposisyon at iba pang indibduwal.

--Ads--

Sa panahon aniya ng krisis ay hindi kailangan ang pambabatikos.

Professor Mark Anthony Baliton

Umani naman ng papuri ang pahayag ng pangulo na pinamamadali ang reporma sa mga corporate taxes upang makahikayat ng mga investor., Ito aniya ay malaking tulong sa ating kinabukasan.

Samantala, napansin din ng professor na hindi consistent ang pronouncement ng pangulo sa kanyang SONA.

Dapat ay nagpresinta umano siya ng maraming solusyon at long term solution sa pandemya na kinakaharap ng ating bansa.

Professor Mark Anthony Baliton