Negatibo sa Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu ang mga lamang liquid at white crystalline substances ng natagpuang maliit na plastic container sa barangay Cato sa bayan ng Infanta dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay police major Fernando Fernandez, public information officer ng PNP Pangasinan, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, bagamat nag negatibo sa unang test ay muling isasailalim sa confirmatory o second testing. Ito ay upanmgh mawala ang pagduiduda ngmga mamamayan na ito ay illegal na droga.
Nabatid na ang container na may bigat na 10 kilo ay nakita ng isang Fisher folk na si Jaime Barnachea , 33 anyos, boat captain at resident ng Brgy Cato, Infanta habang nangingisda sa layong 100 nautical miles sa West Philippine Sea alas 8 ng umaga noong November 15, 2020.
Dahil sa kahina hinalang laman nito ay inireport ito sa pulisya.
Agad na nirespondihan ng mga personnel ng Infanta PS kasama ang ilang kasapi ng pangasinan police provincial Office ang pagkakatagpo sa drum at dinala sa Infanta PS para sa proper disposition bago dinala sa Pangasinan Crime Lab.
Matatandaan na ilang beses na ring nakarekober na drum nas palutang lutang sa western Pangasinan.