DAGUPAN – Mga konkretong plano, mas klaro at may direksyon na tatahakin ng bagong administrasyon ang inaabangang marinig ng taumbayan sa kauna unahang state of the nation address ni pangulong Ferdinand ” BongBong” Marcos Jr. sa darating na Lunes.


Ayon kay Dr. Froilan Calilung, isang professor at political analyst , dapat mailatag ni Pangulong MArcos ang kanyang 6 years plan partikular sa economic recovery o economic resilience, pandemic rehabilitation, paglikha ng maraming trabaho at negosyo at pagpapaigiting ng revenue collection upang malabanan ang problema sa ekonomiya.
Nais ding mairinig mula sa pangulo ang kanyang tugon sa panawagan ng ibat ibang sektor.


Sinabi ni Calilung na mataas ang expectation kapag bago ang administrasyon lalo na at napakataas ang nakuhang boto nito sa nagdaang halalan.

--Ads--


Pero dapat ding unawain na bago pa lang ang administrasyon at maraming minanang problema sa nakaraang administrasyon.


Giit niya na mahalaga ang SONA dahil hihilingin dito ng punong ehekutibo ang tulong ng kongreso sa pagpasa ng mga mahahalagang measures.