DAGUPAN CITY– Posible umano na maapektuhan ang lalawigan ng Pangasinan subalit walang dapat na ipangamba ang ating mga kababayan sa isyu ng Ashfall kasabay ng Phreatic reaction ng Bulkang Taal na nagsimula noong araw ng Linggo.

Ito ang inihayag ni PAGASA Dagupan Chief Weather Forecaster Jose Estrada, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon sa opisyal na mabuti na lamang at mas malakas ngayon ang Hanging Amihan kaya naman ito ang nagtutulak sa Ash fall at hindi na ito nakakarating sa Probinsya ng Pangasinan.

--Ads--
PAGASA Dagupan Chief Weather Forecaster Jose Estrada

Sa ngayon ayon kay Estrada, wala pa naman silang nae-encounter na mga reports na naabot na ng Ashfall ang Lalawigan partikular na ang Eastern portion ng Pangasinan bagamat, una na itong napabilang sa inilabas ng Ashfall advisory.

PAGASA Dagupan Chief Weather Forecaster Jose Estrada

Kung sakali man aniya na umabot ito sa Probinsya sa mga susunod na araw ay maliit lamang ang magiging epekto nito kumpara sa mga karatig nating Lalawigan dahil narin sa pag-iral ng hanging Amihan.