Pinaghahandaan na ng hanay ng Pangasinan PNP ang mga rekomendasyong ilalalatag nito hinggil sa posibilidad na pagpapatupad ng General community quarantine ang lalawigan ng Pangasinan pagdating ng Mayo 16.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCol. Redrico Maranan, na may naihanda nang rekomendasyon ang PNP Pangasinan at Provincial Government na isusumite nila sa Regional Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases hingil sa proposal nito na pagkakaroon ng GCQ sa lalawigan.

Dagdag pa nito na ang nasabing ilalatag na mga hakbang ay ang pinagsamang ideya at rekomendasyon ng mga ahensya dito sa probinsya sa kung saan sila naka-designate.

--Ads--

Ayon pa kay PCol. Maranan, na parehas pa rin umano ang maigting na pagbabantay ng kanilang hanay sa mga entry at exit points sa lalawigan.

Sa ngayon ay inihahanda na ng provincal government ang mga bagong guidelines kung isasailalim sa Modified General community quarantine ang lalawigan ng Pangasinan.