Dagupan City – Nangunguna ang lalawigan ng Pangasinan dito sa Rehiyon 1 na may mataas na kaso ng sakit na Dengue at Rabies ngayong taon (2024) ayon sa Department of Health- Region 1.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis ang Medical Officer IV ng nasabing departamento, nakapagtala ang buong rehiyon ng kaso ng Dengue mula enero hanggang kasalukuyan ng 1000 kung saan pinakamarami dito ay ang Pangasinan na may 536 cases at 2 naman dito ang nasawi.
Kinabibilangan naman ang mga ito ng syudad ng Dagupan na may 71 cases,La Union na may 333 cases, Ilocos Sur na may 196 cases, habang sa Ilocos Norte naman na may 64 cases.
Kaugnay nito, kung ikukumpara naman ang datos noong nakaraang taon sa kaparehong sakop na buwan, bumaba ang datos ng nasa 24.9 %.
Samantala, ibinahagi naman nito ang kaso ng Rabies sa Rehiyon 1 kung saan mula sa buwan ng Hunyo 22 hanggang Hunyo 29 ay may naitala na silang kabuuang kaso na 14 mula sa apat na lalawigan.
Kung saan ay nanguna muli ang lalawigan ng Pangasinan na may 9 cases, 2 sa La Union, 2 sa Ilocos Norte at 1 sa Ilocos Sur.
Ngunit kung ikukumpara naman ito noong taong 2023, bumaba ito ng 6.7%.
Samantala, nagpaalala ang kanilang ahensya na kapag may mga sintomas ng dengue ay agad magtungo sa mga Health Facilities upang matugunan agad. At kapag nakagat o nakalmot naman ng aso o pusa ay huwag babaliwalain, at agad magpaturok ng Anti-Rabies upang hindi na mauwi sa pagkasawi.