Dagupan City – Nakapagtala ng pagtaas ng Revenue Collection ang lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, natutuwa ito sa datos na inilabas ng Provincial Treasury Office dahil patunay lamang ito ng isang maayos at mabuting pamamahala ng Sangguniang Panlalawigan.
Base sa pinakahuling datos na inilabas ng opisina, mula Enero hanggang Mayo 17 ng kasalukuyang taon (2024), umakyat na sa P109, 277,784.40 Milyon ang actual collections o province share kung saan ay nakapagtala ito ng 463.01 % na pagtaas kumpara sa naitalang P19,409,728.85 Milyon na Tax sa sand, gravel at iba pang quarry products na nakolekta mula Enero hanggang Mayo 17 noong 2023. Kung ibabase kasi aniya sa estimated income na P120Milyon para sa taong 2024, Nasa 91.06% na ang koleksyon.
Bukod naman sa mga naunang nabanggit, kasama din sa report ang Total National Taxes na P2,313,326,699.32 sa Actual Collection; Total Non-Tax Revenue na P300,272,484.15 sa Actual Collection mula sa Grants and Donations ng Cash at Miscellaneous Income.
Sa kabuo-an, ang Total Revenue o General Fund ay pumalo na sa P2,912,671,260.57.
Ayon kay Vice Governor Lambino, ito ay resulta rin ng istriktong implementasyon ng mga polisiya sa tax collection at maayos na pamamahala, inaasahang mananatili ang magandang revenue collection sa mga susunod pang mga taon.
Katumbas nito ay ang pagtutok sa maraming proyekto at programa na magpapabuti sa kalusugan ng mga residente sa lalawigan gaya na lamang ng pagtutok sa sektor ng kalusugan kung saan ay P750 Milyon ang inilaan ng lalawigan sa Modernisasyon ng mga Hospital sa bayan ng Uminggan, Lingayen, Manaoag, at iba pa.