Nakapagtala ng mataas na panibagong kaso ng Covid 19 ang lalawigan ng Pangasinan sa loob lamang ng isang araw.

49 na bilang ang naidagdag sa kaso ng sakit kung saan pumalo na sa 582 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa covid 19 sa probinsiya.

Sa datos mula sa Provincial Health Office (PHO) halos 50 ang naitalang bagong kaso sa iba’t-ibang lugar sa probinsya at lungsod ng Dagupan sa loob ng isang araw lamang.

--Ads--

402 na na ang gumaling, 158 ang nananatiling nakaconfine sa pagamutan habang 22 ay nasawi.

Ang mga dumagdag na bagong kaso ay kinabibilangan ng 12 Dagupenyo kabilang ang isang fish vendor.

Ang bayan ng Bayambang ay nakapagtala rin ng labindalawang (12) bagong kaso ng COVID-19 matapos magsagawa ng mass testing para sa mga close contact ng mga nag-positibo mula sa Meat Section ng Bayambang Public Market.

Walo ang nagpositibo sa bayan ng Binmaley, dalawa sa bayan ng Bolinao, Binalonan at San Carlos.

Tig isa naman ang nagmula sa bayan ng Mapandan, Pozorrubio, Asingan, Rosales, Labrador, San Nicolas, Malasiqui,Bugallon, Lingayen, at Urdaneta City.