DAGUPAN CITY– Nagtala muli ng mga bagong COViD 19 cases dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang mga bagong confirmed case ay kinabibilangan ng 30 anyos na babae mula sa bayan ng Malasiqui, 31 anyos na babae mula sa bayan ng Bautista at dito sa lungsod ng Dagupan, ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng isang 19-anyos na lalaking estudyante mula sa barangay Lucao at 32-anyos na lalaki mula sa Barangay Bonuan Gueset .

Sumatotal, 458 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Umabot na sa 362 ang recoveries , 77 ang nananatili sa ospital at labing-siyam na ang namatay dahil sa COVID-19.

--Ads--

Samantala, lagpas 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 245,143 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 55,614 ang aktibong kaso. Umakyat na sa 3,986 ang COVID-19 related deaths habang nasa 185,543 ang total recoveries.

Umaabot naman na sa mahigit 27.9 million ang bilang ng mga tinamaan ng COVID 19 sa buong mundo.

Ang mga nasawi naman ay umakyat na sa 905,561 samantalang 19,974,967 na ang naka-recover sa sakit.