Dagupan City – Kinakailangang alamin ang kwento kung bakit ipinagdiriwang sa kasalukuyan ang agaew ng Pangasinan.

Sa naging panayam kay Kevin Conrad Ibasco, History Instructor sa Pangasinan State University Urdaneta City Campus, bukod sa idineklara aniy ng Malacañang ang Abril 5, 2025, araw ng Sabado, bilang Special (Non-Working) Day sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang araw din na ito aniya ay magiging isang mahalagang okasyon bilang pag-alala sa pagkakatatag ng lalawigan, mas kilala bilang Pangasinan Day o Agew na Pangasinan sa ilalim ng Republic Act 11374.

--Ads--

Pagbabahagi ni Ibasco, dalawang taon ang tumatatak kapag sumasapit ito gaya na lamang ng 1572 at 1580. Taong 1572 kasi aniya ay ang taon kung kailang nadiskubre at nagkaroon na ng koneksyon sa espanya. Habang sa taong 1580 naman ang taon kung kailan naging isang “Alcalde Mayor” o lokal na pamahalaan ng mga Kastila ang Pangasinan.

Sa kabila naman ng mga pagsubok sa panahon ng kolonyalismo, nakamit naman ng lalawigan ang malawakang pag-unlad na siyang nakikitang progreso ngayon.

Isa na nga rito ay ang sektor ng turismo at kultura, wika at tradisyon.

Dito na binigyang diin ni Ibasco na napakahalaga na isinasabuhay ng mga residente sa lalawigan ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng kultura at kasaysayan.

Maganda rin aniya ang itinatag na Banaan Museum, dahil dito mas nakikilala ang tagumpay sa pagpapalaganap ng kasaysayan ng Pangasinan, ganoon na rin ang pag-suporta sa mga local artist.