DAGUPAN CITY– Nagtala ng 19 na bagong kaso ng covid 19 dito sa lalawigan ng Pangasinan kasama ang lungsod ng Dagupan.

Sa nasabing bilang, lima rito ay mula sa lungsod ng Dagupan, lima ay mula naman sa Lungsod ng Urdaneta, dalawa mula sa lungsod ng San Carlos City at Calasiao, at tig isang kaso sa bayan ng Santa Maria, Mangaldan, Tayug, Sual at Basista.

Sa kabuuan ay sumampa na sa 518 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Sa nasabing bilang, 102 ang kasalukuyang naka confine, 395 ang gumaling na habang 21 na ang nasawi.

--Ads--

Mahigit 3,000 naman ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 261,216 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 49,277 ang aktibong kaso.

Umakyat naman sa 4,371 ang COVID-19 related deaths habang nasa 207,568 ang total recoveries ng COVID-19

Samantala, umaabot naman na sa mahigit 29.1 million ang bilang ng mga tinamaan ng COVID 19 sa buong mundo.

Ang mga nasawi naman ay umakyat na sa 927,111 samantalang 20,960,826 na ang naka-recover sa sakit.