Kinumpirma ni Provincial Health Officer Dra. Ana Marie de Guzman na labing siyam na araw na hindi nagtala ng bagong confirmed case dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay de Guzman sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ito ay bunga ng pagsunod ng mga tao sa istriktong home quaratine.

Isa pang factor ay ang hindi pagpapasok ng mga bisita na galing sa mga lugar na infected ng covid 19.

--Ads--

Malaking bagay din umano ang pagtututulungan ng mga frontliners para masagip o gumaling ang mga confirmed case.

Kahit PUI pa lang ay hindi na hinihintay ang resulta at agad nang nagsasagawa ng contact tracing.

Tiniyak din ni Guzman na nananatiling malusog ang mga doktor, nurses at mga health professionals sa mga hospital dito sa lalawigan.
Sa katunayan, sa kabuoang 2,800 na health workers ng probinsya, ay tatlo lang ang na infect mula sa Eastern Pangasinan District Hospital.