Wala pa sa kategoryang critical zone ang lalawigan ng Pangasinan para muling ibalik sa Enhance Community Quarantine.
Ayon kay Provincial Health Officer Dra. Ana de Guzman, sinisikap nilang hindi na muling ilagay sa ECQ ang probinsya.
Ginawa ni de Guzman ang pahayag kasunod ng rekomendasyon na ibaik sa ECQ ang lalawigan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Ipinaliwanag ni de Guzman na dapat 25 percent ng nasasakupan na area, ang dapat magkaroon ng kaso bago mailagay ito sa sa critical zone at mailagay sa klasipikasyon na ECQ.
Para lubos na maunawaan ng publiko, inihalimbawa ni de Guzman ang bayan ng Malasiqui na may 73 barangay. Dapat 25 Percent ang apektado o kailangan na makapagtala ng kaso ang 18 barangay bago maideklara sa critical zone.
Sa lalawigan naman ng Pangasinan na mayroong 1,333 ang barangay, dapat 25 percent ay may kaso bago maideklarang critical zone.
Kung matatandaan, ilang lugar sa bansa ang nilagay muli sa ECQ bunsod ng tumataas na bilang ng kaso ng Covod 19.
Kamakailan din ay pinahintulutan ng Ilocos Regional Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (RIATF-MEID) na sumailalim muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang munisipalidad ng Caba at San Fernando City sa La Union.




