Maituturing ng isang “insurgency free” na lugar ang lalawigan ng Pangasinan at ang buong Rehiyon Uno.
Ito ang pagmamalaking isinaad ni Gen. Manny Orduña ang siyang Assistant Director General ng National Intelligence Coordinating Agency kung saan idiniin nito sa kasalukuyan ay nasa strategic victory na rin ang bansa sa usapin ng mga teroristang grupo.
Aniya na ito ay pagturing sa lahat ng communist terrorist groups bilang insignificant na at aniya ay unti unti nang nakakamit ang tuluyang mapayapang lipunan.
Kaugnay pa nito ay hihinikayat nito ang lahat ng mga taong nasasangkot sa naturang grupo na magbalik loob na at piliin ang pag-ayos sa kanilang sarili maging sa kanilang pamilya.
Dagdag pa nito na kung ninananis talaga nilang makatulong sa bansa ay hindi dapat sila gumamit ng mga armas at pumatay ng mga Pilipino.
Nagpasalamat din ang naturang opisyal sa Bombo Radyo Dagupan sa pagiging daan para sa paghahatid ng mga tamang impormasyon sa publiko.
Samantala kinondena naman nito ang isinusulong na House Bill No. 77 o proposed Human Rights Defenders Protection Act na aniya’y malaking banta sa demokrasiya pamumuhay sa bansa lalo na’t ito lamang ay nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga taong gumugulo sa bansa.