Tinaga sa mukha ang isang magsasaka na umawat lamang sa isang lalaking nanggugulo sa bayan ng Mangatarem Pangasinan.

Naganap ang insidente sa may Brgy. Calomboyan Norte kung saan ang biktima ay kinilalang si Danilo Aquino, 53 anyos habang ang suspek ay kinilala namang si Joseph Miranda, 44 anyos, isang tricycle driver at pawang mga residente mula sa nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, lumalabas na inawat ng biktima ang suspek na noon ay nanggugulo sa kasagsagan ng kanilang kapistahan sa barangay. Makalipas ang ilang sandali ay umuwi ang suspek at bumalik sa lugar na armado na ng Bolo o Panabas.

--Ads--

Dito ay bigla na lamang nitong tinaga ang biktima na nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.

Agad namang nadala sa pagamutan ang biktima habang naaresto ang suspek at nakuha rin mula sakanyang pangangalaga ang armas na kanyang ginamit. With reports from Cheryl Ann Cabrera